Yung may red circles si Francis at ako. Student Council Officers lahat ng nasa pictures nung Grade 6 kami. TRiVIA: Naging schoolmate namin si Claudine Baretto.. see her with the pink box.
Isang reason din cguro kung bakit conscious ako sa weight ko ngayon ksi super taba talaga ako nung bata. Tinutukso ako ng baboy, taba, oink oink, hay naku lahat na ata ng panlalait nasapo ko. Yung self confidence ko talaga nun sobrang baba.. ayun dinaan ko nalang sa sports. Kahit mataba ako aba magaling naman ako sa basketball at volleyball.. kaya din cguro nung highschool nawala kahit papano baby fats ko pero chubby parin. Nagpapayat nalang ako nung nagcollege.

Taba ko grabe!!!
Si Francis naman ang payat talaga dati. As in buto't balat! Opposite nga kami.. pag nagtabi 10 ang labas! ha ha.. pero in fairness niligawan nya ko nung grade six kami eh super laki ko talaga nun. Siguro nabaitan sha sa akin he he pero di ko naman sha sinagot ksi naman 12 years old palang kami nun.
3rd Yr HS kami dito
Ang sarap lang mag look back.. nakakamiss tuloy yung simpleng buhay dati. Walang mashadong problema, hingi lang ng baon, pasok school, punta ng park para maglaro or ng mall kung may pera kami at iikot ikot lang. Pero ngayon kakasakit ng ulo.. dami ng iniisip.. hay.. wish ko ganun parin kasimple buhay tulad ng dati. Oh well.. wishful thinking lang naman.. masaya naman ngayon ksi magkasama na kami ni Francis. :)


5 comments:
grabe sis! 12 yrs old pa lang gusto ko na ni francis?! aliw! hehe!
layo ng "taba" pic mo sa ngayon ah. =D
ikaw ba yun lea?????
hehe parang di ikaw ah...
kaaliw nga magreminisce hehe
To Dionne: cguro nalaman nya na crush ko sha kaya nanligaw pero nung HS di nya nako pansin.. ha ha
To Mai: di ko man gustuhin ako talaga yun.. proud lang ako pakita ksi di na ganun itsura ko ngayon.. reminder narin sa akin na wag magpalaki ulit ng ganun.. :)
grabe sis!!! ikaw yun???!!! nagulat ako ha!!! as in!!! feeling ko kasi ikaw yung tipo na bratinella nung bata na super cute at makulit...naks!
at talagang masipag mag-blog ang lola! sinasamantala ang leave! hehe.
to jacque: sis! ang bait ko kaya nung bata! di na nga ako cute magpapaka maldita pako eh di maraming nainis sakin nun! ha ha
ang bilis nga eh 1 month nalang back to work na ko ...
Post a Comment